The Unbroken Reverie

...the spirit never ceases to flourish.

Monday, December 17, 2007

Keep Christ in Christmas!

Written by Mike Gallego

"You better watch out... you better not cry! You better not pout; I'm telling you why... Santa Claus is coming, to town!" - Sa araw ng Pasko. sino nga ba talaga ang talagang dapat nating pagka-abangabangan? Sino ba siya, na tunay na makakapag-pawala ng ating kalungkutan at makakapag-bigay ligaya sa atin? - Siya si Hesus, ang Kristo... nakalimutan mo na ba?

Sa tuwing sasapit ang kapaskuhan, dumarami ang ating pingkakaabalahan; pagbibigay, paghahanda, pagpaplano, pamimili, pamamasyal, pagpapahinga... na sa dami ay nakakalimutan narin natin ang tunay na diwa ng Pasko. Natanong mo na ba sa iyong sarili, kung bakit tayo kailangang mamigay ng regalo sa tuwing sasapit ang Pasko? Ano ba ang kahalagahan nito? Ano ba ang ibig sabihin ng Pasko?

Isa ako at ang aking pamilya sa mga sumusunod sa mga tradisyon tuwing Pasko, tradisyon na nga kasi ito. Namimili ako ng mga regalo para sa aking mama at papa, kuya, at mga pinsan (minsan pati sa teachers at classmates ko). Binabalutan ko pa ang mga ito ng magagarang recycled gift wrappers na mabibili sa mall at kuminsan ay may ribbon pa; pag tinamad, sa mall nalang ng pinagbilihanan ko papabalutan ang mga ito. Ganun din naman ang mama at papa ko sa paghahanda ng regalo sa kanilang mga inaanak na inaasahang dumarating sa ika-25 ng Disyembre; dagsaan ang mga magugulo, makukulit at maliliit na bata sa amin; mayroon din namang matatanda. (trivia: ang mama ko ay may 46 na inaanak sa binyag at 6 sa kasal; ang papa ko naman ay mayroong 23 sa binyag at 4 sa kasal). Sa dami ng bisitang dumarating, inihahanda din namin ang mga dekorasyon na sa tuwing dalawang taon ay parating bago. Ganun naging kamagastos ang aming Pasko.

Tungkol naman sa tradisyong talaga namang kinaiinisan ko, ang Santa Klaws! Ang pinakamalaking kasinungalingang dumarating at naghahasik ng lagim tuwing Pasko. Ang mamang may napakalaking tiyan kaiinom ng Coke at Beer. Una sa lahat, marami na ang napaniniwala na alam ni Santa Klaws ang lahat (all knowing), "he knows if you've been bad or good"; na siya ay may kapangyarihan (all powerful), "he rewards the good and punishes the bad"; nandoon siya kahit saan (fills all space), "he delivers all his present in one night"; at ang lahat ng mga ito ay kasinungalingan, "if the devil is the father of lies and Santa is based on lies, who is the father of Santa?", dahil ang Diyos lamang ang may alam, may kapangyarihan, at naroroon sa lahat (omniscient, omnipotent, omnipresent).

Hindi masama ang pamimigay ng regalo lalo na at isa ito sa pinakamadaling bagay na gawin upang ipakita ang ating pagmamahal sa kapwa; gaya ni Hesus na ibinigay ang kanyang buong sarili sa atin upang tayo ay maligtas. Ngunit ang Kapaskuhan ay hindi parating tungkol sa pagbibigay, pagtanggap ng mga regalo at paggastos ng malalaking pera para sa mga dekorasyon. Ang Pasko ay lalong hindi tungkol kay Santa Klaws. Yun ang dapat natin maunawaan.

Ang pasko ay tungkol kay Kristo, ang pinakamalaking regalong naibigay at atin nang natanggap mula sa Diyos. Ang pagdiriwang ng kapaskuhan ay pag-alaala sa regalong ibinigay sa atin ng Diyos dalawang-libu't-pitong taon na ang nakakalipas. Ngayong Pasko, ating tanggapin ang regalo o biyaya na buhay na walang hanggan; bagay na nabili na Niya para sa atin, binalot ng buong pagmamahal, at inihain sa pamamagitan ng Krus.

Ipagdiwang natin sa piling ng ating pamilya, mga kaibigan at iba pang mga mahal sa buhay ang pagbaba ni Kristo mula sa langit upang maregaluhan tayo ng ating kaligtasan. Nawa ay magkaroon tayo ng isang maligaya at makabuluhang pagdiriwang sa darating na Pasko kasama ni Kristo! Meri Krismas!

6 Comment(s) -:

Anonymous said...

tama tama!

CHRISTmas is nothing without CHRIST.
the true essence of this feast cannot be found sa mall or sa regalo. sa puso lng ng bawat isa ang tunay na kaulugan ng pasko ng kapanganakan ni Hesus

Mike Gallego said...

i wrote this because some seem that they have forgotten the true essence of Christmas.. it's the nativity of Christ that we celebrate and His next coming that we prepare. Christ must always be the reason for this season.. the most indispensable!

Kev12 said...

Heya!
Nice new header!
Pang-Christmas talaga.. :)

And sorry ngayon lng ulit napadaan sa blog mo., ngayon lng kasi nakapag-update ng blog eh..

May new post nga pala ako; hope you'll comment! :)

MERRY CHRISTMAS!!

Kev12 said...

Thanks. :)

Lapit na feast day ni Don Bosco.. so may post ka for that right??

Merry Christmas too! :)

Mike Gallego said...

maybe.. haha! i have no plan yet.

Anonymous said...

i think there are some people who tend to forget the real essence of Christmas. However, I haven't observed the same - that Santa's "overpowering" Christ in any way this Christmas (at least not here in the Philippines).

Maybe there are songs/acts/ads that highlight Santa as the "great giver" every/this Christmas but such are not enough to say that Filipinos are forgetting what Christmas really is for.

We should not spite Santa Claus bec he's still part of the celebration of Christmas.

Also, I'm not against coke ads (or ads with/using Santa). If they think they can sell their products better using Santa, then use Santa!

There are also ads that feature Filipino traits/culture this means that Fils still value Christmas more than just a celebration of Santa Claus. :))

^my opinion only!

mery christmas blogger mike!
dumpling mumbling