The Unbroken Reverie

...the spirit never ceases to flourish.

Thursday, September 17, 2009

Paalam

Written by Mike Gallego

Ang salitang "paalam," ay maharil mahirap sambitin sa mga taong mahalaga sa atin. Ito man ay isang minamahal, miyembro ng pamilya, o isang matalik na kaibigan. Mayroong nagsabi na “kung ang pagtatapos ay nangangahulugan ng panibagon simulain, bakit ang pamamaalam ay napakahirap sambitin?” Sa tuwing darating tayo sa situwasyon na kailangan nang mamaalam sa isa’t isa, parating nandiyan ang takot at kaba. Kaba at takot na baka ito na ang inyong huling paguusap, at marahil ay hindi mo na siya muling makita.

Ang sakit, marahil, na nararamdaman natin sa pamamaalam ay nangangahulugan kung gaano kahalaga ang isang tao sa ating buhay. Kung gaano kaganda at kasaya ang mga bagay na nagawa ng isang tao para sa iyo, ay kasing-sakit sa damdamin at ‘sing-bigat sa kalooban lamang ang iyong daranasin. Kaya naman, kahit maging mahirap man ang proseso para sa atin, nagiiwan ito ng isang kaalamang hinding-hindi natin malilimutan. Iyon ay kung gaano natin pinag-pahalagahan ang isang tao.

PAALAM.

7 Comment(s) -:

Unknown said...

salamat kapatid sa isang magandang kuru-kuro hinggil sa pamamaalam.
sadyang bahagi na siguro ng buhay ito--sadyang nagpapakita na sa huli, lahat ay matatapos, magwawakas, mawawala, maliban sa pag-ibig ng Diyos.

pagpalain ka nawa Niya!

Neil Palteng said...

every man is an island. you are born and will die alone. what matters most is what you do in between:D

i especially like the picture because of its ironies. a child (birth) waving to the sunset (death)

Kim C said...

"When someone dies, a part of you dies."

It's unbelievable how some people feel more sorrowful towards a breakup with someone than to feel sorrowful towards a departed loved one.

I don't know if I'm explaining it well, but that's what I thought of when I read your post.

:)

rochelle said...

sadyang painful talaga ang goodbye :(

twiti :) said...

wow ....

Marah said...

This is touching. I remember those times I have to say goodbye to my loved ones. Goodbyes are maybe painful but then when you come to think of it.. it leads happiness to whomever you said goodbye to.

Merry Christmas! :)

Mike Gallego said...

hey marah.. merry christmas! what's your base site now?